SecretTreasure Admin
Posts : 39 Join date : 2009-02-08 Age : 45
| Subject: JAPANESE TREASURE IN CAMARINES NORTE Sun Feb 08, 2009 3:12 pm | |
| Ito ay tungkol sa isang version kung papano nakarating ang mga natatagong kayaman ng mga Japanese sa Camarines Norte.
Sang-ayon sa mga mapagkakatiwalaang salaysay, bago raw magkadigma sa panahong nag-aaral si Tomoyuki Yamashita sa America, nagkita sila duon ni Hitler. Dito napag-usapan nila ang plano nang pakikidigma at ang tunkol sa kayamanan. Nang dumating ang panahon ng digmaan, sapagkat nakapag-aral si Yamashita sa kanluran, hindi siya binigyan ni Emperor Hirohito ng mga pangunahing suporta sa nasabing digmaan. Kaya ang ginawa ni Yamashita kumuha siya ng mga mercenario sa mga bansang nasakop nila nuon tulad ng Korea at China. Dito marami siyang nakuhang mga bayarang tauhan, na karaniwang mga takas at kriminal sa kanilang bansa.Ang mga kayamang nakuha nila sa mga lugar na nabanggit mulang Korea hanggang Malaya, duon nila nakuha ang mga nasabing kayanmanan.
Ang mga kayamanang nakulimbat nila sa mga lugar na kanilang dinigma ang naging kabayaran sa mga nasabing Mercenario. Kanya-kanya silang dambong sa bawat lugar na kanilang nilulusob. Ngunit ang malalaking imahin at iba pang kasangkapang ginto ay mismong pinamahalaan ni Yamashita ang pag-papatunaw para gawing mga bara ng ginto. At ang lahat niyang nakulimbat ay isinakay sa barko para dalhin sa Tokyo, Japan. Ngunit sa kasawiang palad nasabat nila ang mga carrier ng Allied Powers, sa karagatan ng Midway nuong mga huling taon ng 1944. Kaya ang balak na pagdadala ng limang barkong kayamanang naglalaman ng mga bara ng ginto at mga diamante, ay naudlot.
Ngayon, wala silang ibang alternatibo, kundi ang hanapan ito ng lugar na mapagtataguan. Nagkataon namang ang rutang binaybay nila sa Pacifico ay malapit sa Bicolandia. Kaya dali-dali silang dumaong sa isa sa mga isla ng Pacifico na walang iba kundi ang Caringo sa Camarines Norte. At kaagad nilang isinampa ang mga nasabing kayamanan na nakalagay sa mga kahon. Dito naghanap silang magandang pagtataguan sa mga kabundukan ng Camarines Norte. At sa pamamagitan ng mga cable ang nagbibigatan kahon ng ginto, ay dali-dali nilang inakyat patungo sa lugar ng treasure site. Tatlong buwan silang inabot sa pagbabauon sa mga nasabing kayamanan na umabot hangggang April 1945. Ang bawat lugar at bundok na kanilang pinagbaunan ay kaagad naman nilang linagyan ng mga palatandaan upang sa kanilang pagbabalik, kaagad nila itong matutuntun. Dahil hindi pa nila lubos na naitatago ang iba pang laman ng barko ang dalawang natitirang barko ay kanilang pinalubog sa dagat Pacifico.
Dito nag-iwan sila ng mga code sign o palatandaan na kung sakali mang manalo o matalo sila ay muli nilang mabalikan ang nasabing lugar. Kaya magpahanggang sa ngayon kung kayo’y pupunta sa isla ng Caringo, makikita ninyo ang mga code sign, o mga palatandaan na gawa ng mga Japon nang panahong yaon. Sa panahong isinasagawa ito, ang ampon ni Admiral Yamashita na si Akieko Shien, na ngayon ay Mrs. Ong na anak naman ng isang Filipina, ang gumaya sa mga narturang codigo nuong bata pa siya at kasama ni Yamashita sa pagtakas. Sa pag-aakala ni Yamashita na ito’y gumagawa lamang ng kanyang aralin pinabayaan niyang gayahin ng kanyang anak-anakan ang mga nasabing mapa ng kayamanan. Ngunit sa panahong yaon hindi niya alam kung anong pangalan ng lugar na pinagbaunan ng kayamanan maliban sa mapa at drawing niyang hugis ng bundok. Nitong 1985 pumunta si Mrs. Ong sa Daet, na nagkaasawa ng isang Singaporean. Dito tumuloy siya sa isang pangunahing Hotel sa Daet, at hinanap niya ang bundok ng Salakot at sangayon sa kanyang mapa duon naibaon ang malaking bahagi ng kayamanan ni Admiral Yamashita, na patuloy na pinaghahanap ng mga Treasure Hunters, magpahanggang sa ngayon. | |
|