| YAMASHITA TREASURE | |
|
+4prospectus indan_raiders GoldWarrior SecretTreasure 8 posters |
Author | Message |
---|
SecretTreasure Admin
Posts : 39 Join date : 2009-02-08 Age : 45
| Subject: YAMASHITA TREASURE Sun Feb 08, 2009 12:57 pm | |
| MAY LIMAMPUNG taon nang tapos ang Ikalawang Digmaang Pandaiddig. Pero may isang kontrobersyal na isyung pinagkakagulohang magpahanggang sa ngayon. Ang alamat ng kayaman ni Yamashita, na kabuntot nang ating ala-ala na hindi pa rin mapawi sa utak ng mga Pilipino, at, marahil, pati na rin sa mga banyaga na dumarayo rito upang hanapin ang nawawalang katakut-takot na ginto. Ito ang kayamanang ipinabaon umano ni Tomoyuki Yamashita, isang heneral ng imperyal na hukbong sandatahan ng Japon na nadestino rito noong panahon ng digmaan.
Sinasabing ang kayamanang ito ay binubuo ng mga nakaw na kayamanag galing sa mga ibang bansang Asyano na sinakop ng Japon noong panahong iyon. Hinakot daw ni Heneral Yamashita mula sa Malaya, Singapore, Thailand at iba pa ang maraming alahas, mga gintong pigurin – kasama na ang bantog na gintong Buddha – at mga gintong bara.
Sangayon sa mga kuwento, dinala raw ni Yamashita ang mga kayamanag ito sa Pilipinas nang madestino siya rito noong 1942. Sa pagaakalang mananalo sila sa pakikidigma laban sa America, at ang Filipinas ang gagawin niyang bantayog o colonia ng kanyang kapangyarihan. Pero nang malapit na raw magapi ang pwersa ng Japon dito, dala-dala pa rin ni Yamashita ang mga kayamanan sa kanyang pagtakas.
Kasama ng kanyang mga sundalao, si Yamashita ay lumaban pa rin sa mga pwersa ng mga Amerikano patungong Bulubundukin ng Caraballo, malapit sa Benguet at Nueva Ecija. Tangay-tangay pa rin daw ni Yamashita ang mga kayamanan at ipinabaon niya ang mga ito sa mga kuweba sa Ifugao. Pagkatapos ipinapatay niya umano ang mga sundalong nag-asikaso sa pagbabaon ng mga kayamanan sa pagnanasang mailihim ang lugar na pinagtaguan nito. At ang isa pang dahilan kung bakit ito ginagawa ay sangayon sa kanilang paniniwala na ang mga binaong tao o sundalong kasama na nasabing kayamanan, ang magsisilbing bantay upang iligaw ang sino mang nagtatangkang hukayin ito. Kaya may mga treasure hunters, na dahil sa paniniwalang ito’y nag-dadala ng alay para sa kanila at sa mga encantong naka-bantay sa nakabaong ginto. Upang sa pamamagitan nito, hindi magalit ang Bantay at mapayapang ibigay sa kanilang ang naturang kayamanan.
Nang sumuko ang Japon sa mga Amerikano noong 1945, hinuli si Yamashita at binitay dahil sa kanyang mga kasalanang nagawa noong panahon ng digmaan. Pero hindi sumama sa kanyang kamatayan ang lihim ng kanyang ipinabaong kayamanan. Pilit itong umukilkil sa ala-ala ng mga taong nakasaksi sa mga pangyayari at parang may batobalaning nangaakit upang ito’y hanapin at hukayin. Kaya nang matapos ang digmaan, marami ang nagkainteres sa paghahanap nito. At nagbabasakaling matagpuan nila ang nasabing mga bara ng ginto, di biglang yaman sila ngayon!
HAPPY HUNTING... | |
|
| |
GoldWarrior
Posts : 1 Join date : 2009-07-23 Age : 54 Location : La Union
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Thu Jul 23, 2009 10:53 pm | |
| salamat at may forum na ganito. sa mga katulad kong naghahanap ng magandang kapalaran sa mga natatagong kayamanan ni Yamashita. marami na akong hinukay at huhukayin pa sana, pero hanggang sa ngayon, limang taon na ang nakalilipas. kahit ni katiting wala pa akong nakita o nahukay na ginto ni Yamashita. kung sa istorya, andami ko ng nakaharap na treasure hunter din dito, at sa dami ng istorya, kahit maghapon na walang kainan, di pa rin mauubos ang kwentuhan. pero anong naghihintay kaya na kapalaran ang naghihintay sa ating paghuhukay? kung minsan naisip ko ng ihinto, dahil malaki na rin ang aking naipuhunan at nagastos. pero anong sabi nila, kung hihinto ka, kelan ka pa makakakita? kaya the adventure continues.. | |
|
| |
indan_raiders
Posts : 3 Join date : 2009-10-21
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Wed Oct 21, 2009 11:17 am | |
| so far, si Padilla palang nakikinabang dito sa Norte, huling balita ko, isang tao na naman ang niloko nya sa Vinzons para makuha ang isang object, buti nga hindi binaon sa lupa, LOL.
nga pala, willing ako joyride to anyone na may magandang istorya...
may gamit ako personal na plain metal detector at directional equipment (loaded)
best regards | |
|
| |
prospectus
Posts : 1 Join date : 2010-05-05 Location : Manila
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Wed May 05, 2010 7:35 pm | |
| I'm new here, gusto ko lang mag share ng experience ng kaibigan ko, ang site nila sa Infanta, Quezon, mga 2002 lang nagnyari, ng dumating sila sa sita ara mag umpisa may mga pogi na nanghingi ng pera, then ng wala sila maibigay instantly, nahold ang lahat ng gamit nila dahil kailangan din daw magbayad ng tax sa mga gamit nila, ang nangyari hindi natuloy ang paghuhukay nila at ang gusto pa nilang share fifty-fifty, sana naman ang mga pogi pag may ganyang pagkakataon, tumulong na lang sila at makipag-ayos hindi pa rin naman sila sigurado kung makakakuha nga o hindi. Ang mahirap pa nito, hindi lang mga pogi ang kalaban mo pag malapit ka na sa object, pati militar nakikiusyoso na rin, hay naku, paano na kung mangyari sa mga naghuhukay na barya lang ang puhunan, sana naman, makisama na lang sila.
Have a good day to all!!!!!! | |
|
| |
cooldave
Posts : 3 Join date : 2010-05-20 Location : dubai u.a.e
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Thu May 20, 2010 5:47 pm | |
| hi to all th tanong ko lang kung meron bang story ng yamashita treasure sa siruma camarines sur? 1 bese napasyal ako duon meron itinuro ang tatay ko na mga sign and symbols ... salamat po ..!! i'm from larap, jose panganiban camarines norte | |
|
| |
jardjild
Posts : 2 Join date : 2010-06-05
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Sat Jun 05, 2010 2:08 pm | |
| Please feel free to visit this site - www.unoitc.org. They are the real owners of the assets here, the assets here are intended for our development and for the development of the whole world. Please feel free to message me if you are interested, My mobile number - 09207695664 | |
|
| |
SecretTreasure Admin
Posts : 39 Join date : 2009-02-08 Age : 45
| Subject: To COOLDAVE Sat Jun 05, 2010 8:24 pm | |
| - cooldave wrote:
- hi to all th tanong ko lang kung meron bang story ng yamashita treasure sa siruma camarines sur? 1 bese napasyal ako duon meron itinuro ang tatay ko na mga sign and symbols ... salamat po ..!! i'm from larap, jose panganiban camarines norte
Base sa pagkakaalam ko merong Japanese Treasure jan sa Maandang Siruma but hindi natin masasabi na kay Tomoyuki Yamashita. | |
|
| |
cooldave
Posts : 3 Join date : 2010-05-20 Location : dubai u.a.e
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Wed Jun 16, 2010 7:45 pm | |
| sir ask ko lang bakit parang wala masyado th hunters na bumibisita dito sa sites nyo lalo na sa mga kasamahan natin na taga camarines norte.??? ask ko din kasi pag bakasyon ko next year huhukayin namin ng tatay ko yung 2 banga ng old coins na ibinaon niya duon sa lugar na iniutos sa kanya ng sundalong hapon nuon bata pa sya , sa tingin nyo kaya meron pa ba halaga ang coins kahit luma na ito??at ang problema pa meron ng may ari duon sa lupa na pinagbaunan nya.. thanks po ng marami | |
|
| |
SecretTreasure Admin
Posts : 39 Join date : 2009-02-08 Age : 45
| Subject: To COOLDAVE Sat Jun 26, 2010 10:14 pm | |
| Bro ano ang klase non OLD coins?
Ma mabuti na kausapin nyo yong may-ari na ng lupa sa ngayong panahon. | |
|
| |
jardjild
Posts : 2 Join date : 2010-06-05
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Sat Oct 16, 2010 12:21 pm | |
| May incoming recovery dito sa Pilipinas at kukunin lahat ng assets. If you know some depositories, please message me. Only a reward for those people involved and development starting from the area. Don't sell those because its illegal. Please visit our website at:- www.unoitc.org and www.oitcvideo.com.Thank you. | |
|
| |
jobrob
Posts : 1 Join date : 2011-08-16
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Tue Aug 16, 2011 12:23 pm | |
| hello po sa lahat,
bago lang po ako dito pero may gusto akong ishare na discoveries regarding japanese treasure. dito po ako sa baguio city sa aming bahay kwentong pinag kampohan daw ng mga hapon ayon sa matatagal na dito.nabili namin ito since 1999. meron po akong nahukay na pigurin, may nakaukit na maliit na ''T'' at napapaligiran ng 5 na tuldok kulay itim, sa gilid nito ay may nakasulat ne letrng hapon. sa aming paglilinas pa, nakakita kami ng batong anyong pagong na putol ang ulo. sa tabi ng pagong ay may nahukay kami na batong tatsulok. may maga nahukay pa kami na bato na may naka ukit na puso at may mga drwing na mahirap intindihin. ang aming ligar po ay malapit sa maliit na ilog. meron po ba nakatago dito? | |
|
| |
romoleg
Posts : 1 Join date : 2012-04-01
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE Mon Apr 16, 2012 12:36 pm | |
| - jardjild wrote:
- May incoming recovery dito sa Pilipinas at kukunin lahat ng assets. If you know some depositories, please message me. Only a reward for those people involved and development starting from the area. Don't sell those because its illegal. Please visit our website at:- www.unoitc.org and www.oitcvideo.com.
Thank you. ... akala ko ba eh tapos ang treaty regarding the recovering ng mga booty treasures na yan last 1986 pa.... and I think it's finder keepers na ngayon.... puwede naman nilang bilhin ang mga assets na yan kawawa naman kung reward lang para sa mga nagpakahirap.... and besides 40 yrs. natin silang pinag-bigyan.... may mga narecover sila nakinabang ba ang mga pinoy... hello | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: YAMASHITA TREASURE | |
| |
|
| |
| YAMASHITA TREASURE | |
|