SecretTreasure Admin
Posts : 39 Join date : 2009-02-08 Age : 44
| Subject: TREASURE HUNTING IN CAMARINES NORTE GOES ON... Wed Mar 05, 2014 7:01 pm | |
| Marami pa rin magpahanggang sa ngayon ang naghahanap ng swerte, sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Muli na namang pumasok sa aking alala ang napanood ko noon sa HISTORY CHANNEL na "DIRTY GOLD" 2010 un kung hindi ako nagkakamali, kung saan sinasabi doon na sa Pilipinas magmula noong 80's kahit sino pa ang umupo sa MalacaƱang eh ka tie-up na ng mga Amerikano sa paghahanap ng mga "looted treasures" na pinagtatago ng mga hapon (JIA) nong tyempo hapon. At malamang sa panahon ngayon hindi lamang mga Amerikano ang kanilang ka-tie up maaaring pati mga Hapon, Koreano, Germans atbp. na interesado sa mga natatagong treasures sa ating bansa.
Sa Bicol particulary in Camarines Norte, rampant pa din ang treasure hunting, at may bali-balita na maging ang nakaupo ngayon sa Kapitolyo ay interesado at involve rin sa ilang aktibidad ng treasure hunting. Sa pag-uwi ko noong bagong taon may nabisita akong halos tagong lugar sa parteng San Vicente na dinayo na dati ng Koreano at Hapon, ayon sa may-ari ng lupa may dala pa raw noong mapa ang Koreano na pumunta don. Ang pagkasunog ng isa sa pinakalumang simbahan ng Camarines Norte sa lugar ng Vinzons ay may paniniwalang ito ay sinadya upang ma-operate o makuha ang nakatago ring kayamanan dito, ang renovation ng Mabulao Bridge na papuntang State College, at maging ang renovation ng tulay sa Taguntong papuntang Mercedes ay pinaniniwalaang may aktibidad din ng "treasure hunting."
Marami, at totoong marami pa ring treasure site sa buong Pilipinas, kaya ipagpatuloy lang ang paghahanap para sa mga natatagong kayamanan na ito. Kung mao-organize lang uli ang may mabubuting hangarin na mga treasure hunters hindi malalayong matagpuan ang patuloy na hinahanap na mga kayamanan...
| |
|
deds
Posts : 5 Join date : 2015-06-03
| Subject: Re: TREASURE HUNTING IN CAMARINES NORTE GOES ON... Wed Jun 03, 2015 2:18 pm | |
| | |
|